Thursday, September 4, 2008

Sino ako

Sa bawat pagtulog kay nakikita

parating laman ng aking gunita...

Pag ibig na kaya?


Kung akoy nag-iisa

pusoy lagin nangangamba...

ako din kaya iyong naalala?


Paao na nga ba?

damdamin ay sasaya

kung hanggang ngayon ikaw sa akin ay wala


Ngunit ano pa kaya

ang aking magagawa

kung kahit ngiti moy hindi makita


Akoy nagtatanong

pag ibig na nga kaya

o itoy isa lamang haka-haka


Mula pagkabata

ngayon lang nadarama

damdaming nakapagtataka


Ayon pa sa iba

ang pag ibig ay pambihira

dumarating ng hindi mo namamalayan


Ngunit akoy takang taka

kung pag ibig na nga kaya?

Itong aking nadarama...




Wednesday, September 3, 2008

sino ako

Ako'y isang taong makulit
ngunit mapagmahal,
mahilig maglaro at palakaibigan
sa aking mga labi ay palagi na may ngiti

minsan ako'y tahimik
minsan namay madaldal,
ganun pa man marami akong kaibigan
na nagmamahal at sumosuporta

nung bata pa ako
madalas sabihin sa akin ng aking ama,
na ako'y lalaking mabait at malusog
at magiging isang mabuting mamamayan

paborito kong laro ang soccer
ngunit madalas akong maglaro ng basketball,
madlas din akong maglaro ng chess
kasama na kapatid at tatay ko

ako si edgar allan tuyan
ang pangalan koy galing sa isang manunulat,
na sinasabi nilang isang lasengero
at hindi nakakasulat kung hindi nakakainom ng alak

madalas man akong mapagalitan ng tatay ko
okey lang sa akin ang lahat,
dahil alam kong mahal nila ako
at ginagawa nila ito para sa ikabubuti ko