Thursday, July 31, 2008

SINO AKO

SINO AKO
"Ang aking pangalan"
Pangalan di karaniwan
Pinangalan ng mga mahal kong magulang
Na may magandang pinagmulan
Ako pala'y Jivsid ang pangalan
Studyante ng publikong paaralan
At ngayon nasa ikatlong baitang
Mabuti at may magandang pinapangarap
Maging maunlad ay kay sarap
Minsa'y sa buhay ako'y magpapatawa
Na kahit sa hirap ng buhay
At sa raming problema
Ay palaging masaya ang aming pamilya
Sa aking nanay ako'y minsay pasaway
Umagang umaga ako'y pinapagalitan
Pero sa aking puso't isipan
Minamahal kong silang tunay
Mapagmahal sa pamilya at kapwa
Maasikaso at mapagbigay kinakailangan
Isang pamana sa aking magulang
Na dapat pakatandaan

"Ang Aking Pangarap,Aabutin ko"

Noon bata pa at paslit
Na pala iyak at masungit
Hindi ko alam ang aking mga ginawa
Dahil ayaw kong pasinawa

Pero nung may natutunan ako
Dahan-dahan kong kinalimunan
Yung mga kasalanan na ginawa ko
At naisipan kong mangarap at pagbutihin

Isang araw na ako din ay nagbago
Mga ginawa ko'y biglang nagbago,
Dahil ako ay naka-unawa
Sa aking mga ginagawa

Siguro mayroon akong mga kasalanan
Sa mga sinaunang kong kasalanan
Dahil ako'y may pangarap at tiwala
Dala ko ang sariling sikap at tsaga

Sana mula ngayon at hanggang makapagtapos
Gusto ko agad na makatulong
Sa mga tumulong sa'king bagohin ako
Dahil sinikap ko at pinagbutihan

Ako'y masaya at maginoo na
Dala ko ang natutuhan sa bata pa
Pangarap ko'y aking aabutin
Para may kinabukasan akong aangkinin.

Wednesday, July 30, 2008

ang buhay!

Ako'y isinilang
salungsod ng iligan,
hindikami mahirap
hindi rin mayaman

Kumpleto ang pamilya
andon sina ama't ina,
may dalawang kapatid
sila'y mababait

Hindi man matalino
mayroon namang nalalaman,
kahit na mahirap
mayroon namang pangarap

Magalang sa magulang
dhil sila'y dapat lang igalang,
mabait si ama
ganun din si ina

nag abroad si itay
para maka ahon sa buhay,
Magsusumikap sa pag aaral
para makatulong sa magulang

Gagawin ang lahat
upang huwag maging pabigat,
magpakabait
'yan ang unang gagawin




Tuesday, July 29, 2008

"Matapat na Binata"

Ako'y kabataan lamang sa panahon
Na pakikisangkot tungo sa kaunlaran
May malayang isip,diwa'y nakatuon
Sa pagsasagawa ng mabuting layun

O aking mga magulang salamat
Sa lahat na ipinalaki niyo akong
Mabuti na walang pagkukulang
Sa aking pag-aaral ngayon

May talinong taglay,diwa'y pag-iisipan
At kung anong dapat,mabuting gawin
May pusong maalab ng kahit nasaan
Pag-ibig sa bayan ang inilalaan

Kaya ngayo'y nais ko sanang makapag
Tapos ng pag-aaral para makahanap
Na mabuting pagtatrabahuan para
Sa aking mga magulang at sa aking kinabukasan

Ngayon ko lang nalaman na sa aking
Paglaki ay mayroon na pala akong
Natutunan sa araw- araw kong
Ginagawa parang lamang isang kahapon

Ang nangyari para sa akin
Kaya ngayon ay naiintindihan
Ko na kung bakit nandito
Ako sa mundong ito dahil marami pa ako matutunan.

"Handang Dumamay"

Sapagkat ako'y batang lalake
Matapang at mapagmahal
Lahi ko'y Pilipino
Na ipagmalaki sa buong bayan

Ako'y simpleng tao
Na walang ipinag-iba sa lahat
Ako'y tumutulong sa iba
Kaya sila'y tumutulong sa akin

Ako pala'y kaibigan
Kaya naman maraming kaibigan
Kaibigan na maasahan
Kaya pinagmalaki ko silang kaibigan

Kabataang tulad ko,
Ay pag-asa sa buong bayan
Lalaki man o babae
Ay dapat na matulungan

Ako'y batang mahiyain noon ,
At hanggang ngayon
Pero hindi na masyadong ngayon
Kasi unti-unting nagbabago

Mga kaibigang handang dumamay
Nagsusumikap sa paghahanapbuhay
Simula sa pagkabata ay karamay
Hanggang sa paglaki ay may karamay.

Saturday, July 26, 2008

"Ang Saloobin"

I.
Ako'y isinilang dala ay kaligayahan
ngunit may lungkot na nararamdaman
'di pinapakita ang lungkot sa mukha
dahil sa ayaw mag-alala ang mga kaibigan.
II.
Kinakaya ang lahat ng pagsubok sa buhay
tanging mga kaibigan ang karamay
tinatagong problema, alam ng kaibigan
lahat dumadamaysa aking kalugkotan.
III.
Sa kabila ng lahat ay naka ngiti pa rin
'di inaalala lahat ng problema
palaging pinapatawa mga kaibigang kasama
'di mo inaakalang may tinatagong problema.
IV.
Mahilig kumain ng maaalat at matatamis
pero 'di mahilig uminom ng tubig
mas gusto pa ang juice at softdrinks
kaya laging pinapagalitan ng aking mga magulang.
V.
Kaya kung minsa'y sumasakit ang tagiliran
'di sinasabihan ang aking mga magulang
dahil sa ayaw magpatingin sa doktor
at sa ayaw ring mapagalitan ng mga magulang.
VI.
Tanging pangarap ang matapos sa pag-aaral
at nang matulongan ang mga magulang
isa sa mga pangarap ang magkaroon ng pamilya
at nang mamuhay ng masaya.

Tuesday, July 22, 2008

"Tahimik na Binata"

Ako ay isang tahimik na binata
Ngunit maraming kababata
Katamtaman lang talino
Pero isang maginoo

Nagsusumikap na makamtan
Ang mabuting kinabukasan
At ng makaipon
Ng maraming kaalaman

Marunong tumulong
At isang magalang
May talintong kaya
Na wala sa iba

May prinsipyong natatangi
Na hindi dapat tapakan
May respetong
Para sa lahat tao

Mapagmahal na anak
Sa mga magulang
Isang masunuring binata
Sa lahat ng bagay

Palaging nagdadarasal
Sa lahat ng oras
Hindi makakalimutang
Magpasalamat sa Puong Maykapal

Saturday, July 19, 2008

Sino Ako?
I. Ako’y isang babaeng nag-aaral lamang,
Nag-aaral sa pampublikong paaralan.
Nagsikap para sa aking kinabukasan,
Para mabuhay ng mapayapa at marangal.

II. Minsan na akong nagkamali sa buhay,
Nagkamali sa mga landas na tinahakan.
Nalulong sa mga kaibigan at barkada,
Naging pabaya sa pag-aaral.

III. Minulat ako ng aking ama,
Nagising sa mga katotohanan.
Namulat na mali ang ginagawa.
“Maraming salamat mahal kong ama”

IV. Binusog ako ng pagmamahal ng aking ama,
Inalagaan, inasikaso at minahal.
Busog din ako sa pagmamahal ng aking kapatid,
Ang mapagmahal na kapatid at malambing.

V. Ang nanay ko lang ang nagkulang,
Bata pa ay maagang nawalay sa kanya.
Natotong gumawa sa gawaing hindi ko pa kaya,
Kaya kinamulatan ang maging matapang at masipag.

VI. Ako ay mabait at may paninindigan.
Umiintindi sa mga tao na may problema.
Mapagbigay sa taong nangangailangan.
Laging handa sa mga bukas na dadatnan.

Monday, July 7, 2008