Monday, August 11, 2008

Lumaki sa Mundong ito

Ako ay isang bata
Laging humahalikhik sa tawa
Walang araw na di masaya
Dahil sa bigay ng Dios na ligaya

Noong bata pa ako hanggang sa pag laki
Mahal ako sa aking magulang
Ako ay maraming pinagdaanan
Minsan naligaw ako sa aking landas

Pero ipinaglaban ko ang aking buhay
Buti na lang ako'y bumalik
Para sa aking mahal sa buhay
At ito ay aking kinaya

Ngayon naging mabuti na
Naging makapagkumbaba sa kapwa
At naging mabuti sa may kapal
At para mahalin at yakapin ng magulang

Minsan naging mahina ako
Pero hindi ko ito pinatuloy
Sa wakas meron na akong pangarap
Para sa aking buhay

Ngayon laging akong mabuti
Para sa aking kinabukasan
At ito ay aking haharapin
Para sa aking magulang

No comments: