Monday, August 11, 2008

Sino Ako?

Batang Ginabayan

Noong ako'y iniluwal ng aking ina
Inalagaan niya ako't inaruga
Pinakain ng masustansyang pagakain
Nang sa pagalaki ay hindi maging sakitin

Mga Iruging mga magulang
Sa mga pagakakamali ako'y ginabayan
Magagandang asal ako'y tinuruan
Para maging bata na puno ng pangaral

Naging mabait at masunuring bata
Dahil ito sa mga pangaral na nakuha
Hindi lumaki sa layaw
At ako ay maraming palayaw

Pinag-aral ako sa publikong paaralan
Upang sa ganon ay mayroon akong matutunan
Dahil ang sabi ng aking magulang
Ang batang may pinag-aralan,may kinabukasan

Mga natutunan sa eskwela'y hindi kinalimutan
Nang sagaoon ay may magamit sa kinabukasan
Kung saan ang tanging maaasahan
Ay ang mga bagay na aking natutunan

Ngayon ako'y binata na
Malaki ang pasasalamat sa ina't ama
Dahil sa gabay nila't pagaaruga
Buhay ko'y hindi nalalayo sa iba

No comments: