Friday, August 15, 2008

"Pangarap"

Kinikilala ko ang aking sarili
Sapagkat may damdaming gustong subukin
At may damdaming marunong masaktan
Sa pagkilala sa aking sarili'y di to

Namulat ang damdamin
Ako ang tao na may mga pangarap
Kahit musmos man ako ay may pangarap din;
Tulad ng ibang tao

Mayroon ding mithiin
Taglay kong talino
Ibig kong subukin
Sa pag-aaral ko

Parangal ay anihin
Musmos man ako
Ay may pangarap din sa buhay
Ihandog sa inyo

Kung kaya ako'y nagsisikap
Upang ang aking mga pangarap
Ay matupad na para sa mga
Mahal sa buhay na nangangarap para sa akin

Ako'y makasarili sa problema'y ngunit
Sa pananalig sa Dios unti-unting nabigyan ng
Kasagutan ako ang taong likha ng Dios
Ako ang tao na matapat,makadiwa at mapagmahal




No comments: