Saturday, August 2, 2008

"Sino ako"

"Sino ako"
Noong ako'y isinilang
laking tuwa ng aking magulang
Inaalagan ako at binabantayan
walang oras na akoy iniwan.
Ang yakap ng aking Ina'y
ay ayaw kong mawalay
mahal na mahal niya ako
pati na ang mga kapatid ko.
Nang limang taong gulang na ako'y pasaway
utos ng magulang ay aking sinuway
lahat ng laruan na aking makikita
ay aking kinukuha.
Kahit lagi nila akong pinapagalitan
ang parusa ay aking tinanggap
dahil alam ko na nahihirapan na sila
pero pinapasaya ko naman sila.
At nang akoy lumaki
ako'y nag-aaral ng mabuti
para makabawi ako
sa mga pagkukulang ko.
Ako'y nagsusumikap ng pag-aaral
para makapagtapos ng pag-aaral
para ito sa magulang ko
na nagsusumikap sa akin.

No comments: