Isang Ulirang Bata
Ako'y isang batang laging masunurin
Sa ama't ina lubhang mairugin;
Sa lahat ng oras ang aking dalangin
Sa poong maykapal, ako'y pagpalain
Sa araw at gabi ang bilin ng ina'y
Tila isang batas na tinatalima
Kahit saang dako ang hangad tuwina
Ay mabigyang-dangal ang irog na ama
Lahat ng mabuti ay tinutularan
Ang gawang masama ay iniiwasan;
Ginagawa ang ugaling wasto at dalisay
Sa bawat sandali ay laging patnubay
Sa mga kasama ay mapagparaya
Lubhang magalangin sa nakatatanda
At sa paarala'y huwaran na yata
Sa katalinohan ang ulirang bata
Mga kaibigan ang tanging inaasahan
Gustong maging mabait sa mata ng karamihan
Kung kaya iniisip muna ang bawat gawa
Para sa ikakabuti ng sariling kapwa
Laging tapat sa iba
Pagtapat din ang kasama
Para may higpit na tiwala
Sa mga taong nais makasama
Tuesday, August 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment