Wednesday, August 27, 2008

Sino Ako?

ako ay simpleng tao,

mga simpleng bagay ang gusto kong gawin.

sa ibang tao ay 'di man ako gusto,

gusto ko itong mabago.



lumaki sa 'di marangyang buhay,

pinagsisikapang makatapos sa pag-aaral.

nang ipagmalaki ng aking,

mahal na magulang.



sa problemang dumadating,

hinaharap kung mag-isa.

mabigo o matagumpayan ko,

alam kong hinarap ko ito ng buong puso.


sa mag kaibigan kong tunay,

na minsan kong nakaaway.

minahal akong tunay,

ano man ang aking pagkukulang.



sa mga nakasalamuha ko,

may nakilalang ibang katangian ng tao.

naiintindihan ko ito ng tunay,

kunag sino man sila sa kanilang buhay.


ang pagkilala sa sarili,

ay malaking bagay na maipagmamalaki.

mga pagsubok na nadaanan,

naginng daan para maging matatag na mamamayan.

No comments: