Tuesday, August 12, 2008

Sino ako?

Sino Ako?

Simple Lamang

Sana'y marunong umunawa
Sapagka't malimit na makagawa
Ang gawain kong ninanasa
Sana ay matapos na

Sa buhay kong di sapat yata
Para mapaligaya ang bawat isa
Sa mga taong naka tawa
Habang ito ay binabasa

Pasyensyahan sana,kung ito'y di sapat
Sapagakat Ako'y gumagawang may lagnat
Hangad ko ang magtapat
Para sa kaligayahan ng lahat

Mahina ang kaisipan
Pag ganito ang kadatnan
Sana ay maintindihan
Pagsisikap kong ginampanan

Sa hindi inaasahan
Kulang na ginampanan
Pero agad na dinagdagan
Tungkol sa sariling pinagdaanan

Ako'y hindi sigurado
Sa aking tunay na pagkatao
Pero isa lang ang aking pinalago
Ang aking silbi sa mundo

No comments: