Wednesday, August 13, 2008

SINO AKO
by: Mary Rose Pastrana

Ako’y isang bata naulila sa isang ina
Ngunit di pinabayaan ng mahal kong ama
Sa hamon ng buhay ako’y ginabayan
Kanyang inalagaan at di pinabayaan

Upang lumaking isang taong marangal
Bata man o matanda aking iginagalang
Opinyon ng ibang tao’y aking pinahahalagahan
Pangaral ng aking magulang itinuturing na yaman

Na hindi puedeng maagaw ninuman
Yapak nila ay aking sinusundan
Kahit sino’y walang puedeng humadlang
Laking pasasalamat sa Dios na may lalang

Pagkat aking buhay sa kanya’y utang lamang
Walang sinuman ang maaring umagaw
Nangako sa sarili na ito’y pahahalagahan
At hindi hahayaan ito’y tapak-tapakan

Maraming mga bagay pa akong dapat matutunan
Iba’t-ibang pagsubok aking lalagpasan
Lagi kung pinapanalangin sa Dios kung mahal
Na ako’y gabayan at huwag pabayaan

Ano mang hamon ang dumating sa aking buhay
Magiging matatag at may paninindigan
Walang maaring lumait at umapi
Hanggat ang aking ama’y nasa aking tabi

No comments: