Ako ay pilipino, may dugong maharlika
likas sa aking puso adhikaing kayganda.
angking talino sa mabuti lang laan,
upang magkaroon ng mabuting kinabukasan.
ang mga magulang ay handang magmahal,
sa mga anak na sa kanila'y laan.
nag tiyaga at nagsumikap sa paghahanapbuhay,
buong pusong nag-aruga at nagmahal.
paghihirap sa buhay ay di hadlang,
upang mawasak ang mga pangarap.
ako'y magsusumikap sa pag-aaral,
upang magkaroon ng mabuting hinaharap.
naisaloob na asal ay dapat alagaan,
upang magkaroon ng pagmamahalan.
sa mga pilipino na kinagisnan,
na dapat tanggapin at mahalin.
ako man ay may kapansanan,
ngunit nagkaroon naman ng mabuting asal.
mga nakatatanda ay aking ginagalang,
at may matatanda ay aking mahal.
ang kapalaran sa buhay ay dapat tanggapin,
mahalin,alagaan at respituhin.
upang magkaroon ng isang damdamin,
ako ay pilipino, pilipinomg totoo!!!
No comments:
Post a Comment