Thursday, October 16, 2008

sino ako?"ang buhay ko"

Noong ako'y isinilang
tuwang-tuwa ang aking mga magulang
ako'y kanilang inalagaan
at pinapahalagahan

Nagsisikap ako
para sa kinabukasan ko
at may panagarap ako
na sana'y makamtan ko

Masaya ako sa buhay ko
at kuntento na ako sa ganito
marami akong mga kaibigan
na aking malalapitan

Nagpapasalamat ako
sa biyayang natanggap ko
maraming salamat sa magulang ko
at lalong-lalo na sa panginoon

Thursday, September 4, 2008

Sino ako

Sa bawat pagtulog kay nakikita

parating laman ng aking gunita...

Pag ibig na kaya?


Kung akoy nag-iisa

pusoy lagin nangangamba...

ako din kaya iyong naalala?


Paao na nga ba?

damdamin ay sasaya

kung hanggang ngayon ikaw sa akin ay wala


Ngunit ano pa kaya

ang aking magagawa

kung kahit ngiti moy hindi makita


Akoy nagtatanong

pag ibig na nga kaya

o itoy isa lamang haka-haka


Mula pagkabata

ngayon lang nadarama

damdaming nakapagtataka


Ayon pa sa iba

ang pag ibig ay pambihira

dumarating ng hindi mo namamalayan


Ngunit akoy takang taka

kung pag ibig na nga kaya?

Itong aking nadarama...




Wednesday, September 3, 2008

sino ako

Ako'y isang taong makulit
ngunit mapagmahal,
mahilig maglaro at palakaibigan
sa aking mga labi ay palagi na may ngiti

minsan ako'y tahimik
minsan namay madaldal,
ganun pa man marami akong kaibigan
na nagmamahal at sumosuporta

nung bata pa ako
madalas sabihin sa akin ng aking ama,
na ako'y lalaking mabait at malusog
at magiging isang mabuting mamamayan

paborito kong laro ang soccer
ngunit madalas akong maglaro ng basketball,
madlas din akong maglaro ng chess
kasama na kapatid at tatay ko

ako si edgar allan tuyan
ang pangalan koy galing sa isang manunulat,
na sinasabi nilang isang lasengero
at hindi nakakasulat kung hindi nakakainom ng alak

madalas man akong mapagalitan ng tatay ko
okey lang sa akin ang lahat,
dahil alam kong mahal nila ako
at ginagawa nila ito para sa ikabubuti ko

Sunday, August 31, 2008

sino ako?

Ako ay pilipino, may dugong maharlika
likas sa aking puso adhikaing kayganda.
angking talino sa mabuti lang laan,
upang magkaroon ng mabuting kinabukasan.
ang mga magulang ay handang magmahal,
sa mga anak na sa kanila'y laan.
nag tiyaga at nagsumikap sa paghahanapbuhay,
buong pusong nag-aruga at nagmahal.
paghihirap sa buhay ay di hadlang,
upang mawasak ang mga pangarap.
ako'y magsusumikap sa pag-aaral,
upang magkaroon ng mabuting hinaharap.
naisaloob na asal ay dapat alagaan,
upang magkaroon ng pagmamahalan.
sa mga pilipino na kinagisnan,
na dapat tanggapin at mahalin.
ako man ay may kapansanan,
ngunit nagkaroon naman ng mabuting asal.
mga nakatatanda ay aking ginagalang,
at may matatanda ay aking mahal.
ang kapalaran sa buhay ay dapat tanggapin,
mahalin,alagaan at respituhin.
upang magkaroon ng isang damdamin,
ako ay pilipino, pilipinomg totoo!!!

Thursday, August 28, 2008

Ang mapagmahal na ina

Ang aking ina ay masarap magmahal
Kahit minsa ang kilos ay mabagal
Kahit di ako masyadong nagdarasal
Akoy tinuruan ng mabuting asal

Kahit na ay napapagalitan ako
Pinatawad nya mga kasalanan ko
Kahit na pasaway at maldita ako
Damang-dama ko inay pagmamahal mo

Pag namamasyal kami tuwang-tuwa ako
At namimili kami ng kung anu-ano
Kumakain sa labas at ito ang nagpapasaya sa amin
Pag walang pera ok lang sa akin

Pero kung wala ang sinasabi lang nya
Ay sa susunod nalang kasi wala tayong
Pera at naiintindihan namin yun
Totoo naman na wala kaming pera

Pag gawaing bahay ang inutos ay
Napapagalitan,kasi hindi maayos ang
Pagkagawa at tinuturuan ng maayos
Para hindi na mapagalitan at mag kamali

Pag nanghuhugas nang plato ay
Pinapagalitan kasi hindi maayos
Pinapaulit nanggang sa maayos na
Ang pagkahugas ng mga plato

sino ako




mabait si mark
masipagat matiyaga
huwarang pahinante
maasikaso at maalaga

isang umaga
kanyang nasulyapan
ganda ng mundo
lubos nyang hinangaan

mejo impertinente
malandi kung minsan
pero itong minting pahinante
ay sadyang di mapigilan

ngunit isang tanghali
di sinasadya
isang malakas na tili
ang narinig ng madla

si mark! si mark
!ang mga tao’y natulala
isang malagim na aksidente
biglag dumaloy ang luha
pangarap ni mark
ang makatapos ng pag-aaral
ng walang bagsak
para sa magulang

Wednesday, August 27, 2008

Sino Ako?

ako ay simpleng tao,

mga simpleng bagay ang gusto kong gawin.

sa ibang tao ay 'di man ako gusto,

gusto ko itong mabago.



lumaki sa 'di marangyang buhay,

pinagsisikapang makatapos sa pag-aaral.

nang ipagmalaki ng aking,

mahal na magulang.



sa problemang dumadating,

hinaharap kung mag-isa.

mabigo o matagumpayan ko,

alam kong hinarap ko ito ng buong puso.


sa mag kaibigan kong tunay,

na minsan kong nakaaway.

minahal akong tunay,

ano man ang aking pagkukulang.



sa mga nakasalamuha ko,

may nakilalang ibang katangian ng tao.

naiintindihan ko ito ng tunay,

kunag sino man sila sa kanilang buhay.


ang pagkilala sa sarili,

ay malaking bagay na maipagmamalaki.

mga pagsubok na nadaanan,

naginng daan para maging matatag na mamamayan.

Friday, August 15, 2008

"Pangarap"

Kinikilala ko ang aking sarili
Sapagkat may damdaming gustong subukin
At may damdaming marunong masaktan
Sa pagkilala sa aking sarili'y di to

Namulat ang damdamin
Ako ang tao na may mga pangarap
Kahit musmos man ako ay may pangarap din;
Tulad ng ibang tao

Mayroon ding mithiin
Taglay kong talino
Ibig kong subukin
Sa pag-aaral ko

Parangal ay anihin
Musmos man ako
Ay may pangarap din sa buhay
Ihandog sa inyo

Kung kaya ako'y nagsisikap
Upang ang aking mga pangarap
Ay matupad na para sa mga
Mahal sa buhay na nangangarap para sa akin

Ako'y makasarili sa problema'y ngunit
Sa pananalig sa Dios unti-unting nabigyan ng
Kasagutan ako ang taong likha ng Dios
Ako ang tao na matapat,makadiwa at mapagmahal




Wednesday, August 13, 2008

SINO AKO
by: Mary Rose Pastrana

Ako’y isang bata naulila sa isang ina
Ngunit di pinabayaan ng mahal kong ama
Sa hamon ng buhay ako’y ginabayan
Kanyang inalagaan at di pinabayaan

Upang lumaking isang taong marangal
Bata man o matanda aking iginagalang
Opinyon ng ibang tao’y aking pinahahalagahan
Pangaral ng aking magulang itinuturing na yaman

Na hindi puedeng maagaw ninuman
Yapak nila ay aking sinusundan
Kahit sino’y walang puedeng humadlang
Laking pasasalamat sa Dios na may lalang

Pagkat aking buhay sa kanya’y utang lamang
Walang sinuman ang maaring umagaw
Nangako sa sarili na ito’y pahahalagahan
At hindi hahayaan ito’y tapak-tapakan

Maraming mga bagay pa akong dapat matutunan
Iba’t-ibang pagsubok aking lalagpasan
Lagi kung pinapanalangin sa Dios kung mahal
Na ako’y gabayan at huwag pabayaan

Ano mang hamon ang dumating sa aking buhay
Magiging matatag at may paninindigan
Walang maaring lumait at umapi
Hanggat ang aking ama’y nasa aking tabi

Sino AKo?

Tularan N'yo

Handog ka sa mundo
Totoong ako para sa inyo
Kabutihan ay gayahin
isaisip natin lagi ito

Kasamaan ay iwasan
Para hindika iniiwasan
Ating pagayamanin
Mga katagang ito

Dahil ito ay nasa loob ko
Handog ka para sa inyo
Ang aking totoong pagkatao
Pakinggan nyo ang totoong ako

Ako ay masunuring tao
Bawat utos ay ginagawa ko
Kaya naman gusto kung tularan nyo
Totoong kabutihan ipapakita ko

Bawat tao ay may sariling isip
Merong isip tao at isip aso
Nais kong ipahiwatig sa inyo
Gayahin ako na isip tao

Unahin kapakanan ng marami
Wag ang inyong pansarili
Lubos na kaligayahan
Madarama sa mabuting bagay na ito

Sino Ako

Ang Buhay Ko

Maligaya ako...
Sumayaw sayaw sa tugtog
Parang baliw na sumayaw
Ngunit lahat nito'y kabiguan

Mahiyain ako...
Marami akong mga kaibigan
Lahat sila ay mabait
Pero mahiya ako sa kanila

Pogi Ako...
Ang kapogihan ko'y pambihira
Ngunit ako'y nagtataka
Sa aki'y walang sinumang humahanga

Magastos Ako...
May pera ako kahit konti
Mahilig ako sa magandang bagay
Kahit sentimos walang maiipon

Ako ay Ako...
Ako ay isang Pilipino
Pilipino ang aking mga magulang
Ipagmalaki ko ang aking lahi

Mabait Ako...
Masunurin akong bata
Ipagmalaki ko sa aking mga magulang
Wala akong kaaway.

Tuesday, August 12, 2008

Sino Ako?

Isang Ulirang Bata

Ako'y isang batang laging masunurin
Sa ama't ina lubhang mairugin;
Sa lahat ng oras ang aking dalangin
Sa poong maykapal, ako'y pagpalain

Sa araw at gabi ang bilin ng ina'y
Tila isang batas na tinatalima
Kahit saang dako ang hangad tuwina
Ay mabigyang-dangal ang irog na ama

Lahat ng mabuti ay tinutularan
Ang gawang masama ay iniiwasan;
Ginagawa ang ugaling wasto at dalisay
Sa bawat sandali ay laging patnubay

Sa mga kasama ay mapagparaya
Lubhang magalangin sa nakatatanda
At sa paarala'y huwaran na yata
Sa katalinohan ang ulirang bata

Mga kaibigan ang tanging inaasahan
Gustong maging mabait sa mata ng karamihan
Kung kaya iniisip muna ang bawat gawa
Para sa ikakabuti ng sariling kapwa

Laging tapat sa iba
Pagtapat din ang kasama
Para may higpit na tiwala
Sa mga taong nais makasama

Sino ako?

Sino Ako?

Simple Lamang

Sana'y marunong umunawa
Sapagka't malimit na makagawa
Ang gawain kong ninanasa
Sana ay matapos na

Sa buhay kong di sapat yata
Para mapaligaya ang bawat isa
Sa mga taong naka tawa
Habang ito ay binabasa

Pasyensyahan sana,kung ito'y di sapat
Sapagakat Ako'y gumagawang may lagnat
Hangad ko ang magtapat
Para sa kaligayahan ng lahat

Mahina ang kaisipan
Pag ganito ang kadatnan
Sana ay maintindihan
Pagsisikap kong ginampanan

Sa hindi inaasahan
Kulang na ginampanan
Pero agad na dinagdagan
Tungkol sa sariling pinagdaanan

Ako'y hindi sigurado
Sa aking tunay na pagkatao
Pero isa lang ang aking pinalago
Ang aking silbi sa mundo

Monday, August 11, 2008

Umaasang Pagibig

Akoy isang tao na may puso
Na sayo lang tumibok
Sa araw-araw kitang makita
Akoy nanghuhumalik

Pag ikaw ay nakangiti
Akoy nanghihina
Pag ikaw ay aking kasama
Para akong nasa langit

At kung ikaw ay hindi makita
Ang araw koy hindi kumpleto
Para akong nagkaskit
At dahan-dahang namamatay

Pag ikaw ay may kasamang iba
Puso koy parang sumabog
Parang dahan-dahang lumabas saking dibdib
At sa aking bunganga

Kahit pa ikaw ay may iba
Ako ay maghihintay
Kahit pa dumating ang
Katapusan ng mundo

Akoy umaasa na iyong sagutin
Akoy maghintay na iyong mahalin
Akoy nanalangin na sana bukas
Ikaw at ako ay magmahalan

Ang Aking Pagkatao

Ako'y isang taong malaya
Kahit ano ginagawa
Sa lahat ng bagay hindi
Pabaya, at kahit anu kinakaya

Ako'y taong magaling mag halubilo
Sa lahat ng tao ako'y siryuso
Palabiro at matipuno
Di hamak na matalino

Pero kinakaya lahat ng hamon
Ako'y takot sa kabiguan
Hindi masyadong matapang
Kung sa ibay masungit

Kung bakit sa iba
Ako'y masungit o galit
Pero sa mga dalaga'y ako'y
Mabait, kahit pinipilit

Minsan ako'y pabaya sa aking pangarap
Dahil minsan ako'y tamad
Sa aking pag-aaral o anumang gawain
Lahat ito ay nawala

Dahil sa aking mga kaibigan
Ngayong wala ng inaatrasan
Kahit anong hamon
Ay aking kakayanin †

Lumaki sa Mundong ito

Ako ay isang bata
Laging humahalikhik sa tawa
Walang araw na di masaya
Dahil sa bigay ng Dios na ligaya

Noong bata pa ako hanggang sa pag laki
Mahal ako sa aking magulang
Ako ay maraming pinagdaanan
Minsan naligaw ako sa aking landas

Pero ipinaglaban ko ang aking buhay
Buti na lang ako'y bumalik
Para sa aking mahal sa buhay
At ito ay aking kinaya

Ngayon naging mabuti na
Naging makapagkumbaba sa kapwa
At naging mabuti sa may kapal
At para mahalin at yakapin ng magulang

Minsan naging mahina ako
Pero hindi ko ito pinatuloy
Sa wakas meron na akong pangarap
Para sa aking buhay

Ngayon laging akong mabuti
Para sa aking kinabukasan
At ito ay aking haharapin
Para sa aking magulang
Sino Ako?

Batang Ginabayan

Noong ako'y iniluwal ng aking ina
Inalagaan niya ako't inaruga
Pinakain ng masustansyang pagakain
Nang sa pagalaki ay hindi maging sakitin

Mga Iruging mga magulang
Sa mga pagakakamali ako'y ginabayan
Magagandang asal ako'y tinuruan
Para maging bata na puno ng pangaral

Naging mabait at masunuring bata
Dahil ito sa mga pangaral na nakuha
Hindi lumaki sa layaw
At ako ay maraming palayaw

Pinag-aral ako sa publikong paaralan
Upang sa ganon ay mayroon akong matutunan
Dahil ang sabi ng aking magulang
Ang batang may pinag-aralan,may kinabukasan

Mga natutunan sa eskwela'y hindi kinalimutan
Nang sagaoon ay may magamit sa kinabukasan
Kung saan ang tanging maaasahan
Ay ang mga bagay na aking natutunan

Ngayon ako'y binata na
Malaki ang pasasalamat sa ina't ama
Dahil sa gabay nila't pagaaruga
Buhay ko'y hindi nalalayo sa iba

Sunday, August 10, 2008

"Ang Buhay Ko"

Noong nasa sinapupunan pa ako
Mahal na mahal nila ako
Kaya noon isinilang na ako
Laking tuwa ng magulang ko
Noong ako ay nag-aral na
Lahat ibinigay nila
Para ako ay sumaya
Kaya ako ay lumaking masaya
Noong pumanaw ang mama
Hindi masaya ang papa
Hindi niya kaya mabuhay mag-isa
Kaya minahal namin siya
Noong pumanaw na ang papa
Hindi namin kinaya
Na mawala sila
Kaya lahat kinaya
Mahirap kung wala sila
Pero masaya naman
Sapiling nina Tito At Tita
Kaya masaya parin ang buhay
Ang pagmamahal nila
Ay iba sa pagmamahal ng tunay na ina
Mahla man kami nila
Kulang pa rin ang pagmamahal nila

Friday, August 8, 2008

Pag ibig na kaya?

Sa bawat pagtulog kay nakikita
parating laman ka nang aking gunita
pag ibig na kaya?

kung akoy nag iisa
pusoy laging nangangamba
ako din kaya ay iyong naabala?

paano na nga ba?
damdamin ay sasaya
kung hanggang ngayon
ikaw sa akin ay wala

ngunit ano pa kaya
ang aking magagawa
kung kahit ngiti moy
hindi ko makuha..

akoy nag tatanong
pag -ibig na nga kaya
o itoy isa lamang hakahaka..

mula pag kabata
ngayon lang nadarama..
damdaming nakapag tataka..

ayon pa sa iba ang pag ibig ay pambihira
dumating ng hindi mo sinasadya

ngunit akoy takang taka
kung pag-ibig na nga kaya
itoy aking nadarama.

Tuesday, August 5, 2008

"Sino Ako"

Noong ako ay isinilang na,
Ama ko't ina na kay saya
Ina ko ang tumuro sa'kin bumasa
Ama ko'y lagi akong pinapasaya
Ako ay labing apat na gulang na,
Inilagaan ng mabuti at pinapasa
Ako ay pang -apat sa pamilya
Kami ay anim na magkakapatid,
Mahilig akong gumuhit ng kaka-iba
Ako ay isang mahiyaing bata,
Minsan ay nag-iisa
Di ako mahilig makipag-usap sa iba
Ipinanganak ako noong 29 ng Marso
Mahilig akong makipaglaro sa aking mga pamilya
Pinapasaya ko sila dahil mahal ko sila
Ako ay palaging pumapasok sa eskwela,
Dahil gusto kung makamtan ang aking mga pangarap
Tapat ako sa aking mga pamilya
Ayaw kung itinuturing na masama
Ayaw kung palaging pinapagalitan
Ako ay tao lamang na nagkakama
Hindi naman ako batang tamad
Pangrap ko ay maging isang ENGINEER.

Saturday, August 2, 2008

"Sino ako"

"Sino ako"
Noong ako'y isinilang
laking tuwa ng aking magulang
Inaalagan ako at binabantayan
walang oras na akoy iniwan.
Ang yakap ng aking Ina'y
ay ayaw kong mawalay
mahal na mahal niya ako
pati na ang mga kapatid ko.
Nang limang taong gulang na ako'y pasaway
utos ng magulang ay aking sinuway
lahat ng laruan na aking makikita
ay aking kinukuha.
Kahit lagi nila akong pinapagalitan
ang parusa ay aking tinanggap
dahil alam ko na nahihirapan na sila
pero pinapasaya ko naman sila.
At nang akoy lumaki
ako'y nag-aaral ng mabuti
para makabawi ako
sa mga pagkukulang ko.
Ako'y nagsusumikap ng pag-aaral
para makapagtapos ng pag-aaral
para ito sa magulang ko
na nagsusumikap sa akin.

Thursday, July 31, 2008

SINO AKO

SINO AKO
"Ang aking pangalan"
Pangalan di karaniwan
Pinangalan ng mga mahal kong magulang
Na may magandang pinagmulan
Ako pala'y Jivsid ang pangalan
Studyante ng publikong paaralan
At ngayon nasa ikatlong baitang
Mabuti at may magandang pinapangarap
Maging maunlad ay kay sarap
Minsa'y sa buhay ako'y magpapatawa
Na kahit sa hirap ng buhay
At sa raming problema
Ay palaging masaya ang aming pamilya
Sa aking nanay ako'y minsay pasaway
Umagang umaga ako'y pinapagalitan
Pero sa aking puso't isipan
Minamahal kong silang tunay
Mapagmahal sa pamilya at kapwa
Maasikaso at mapagbigay kinakailangan
Isang pamana sa aking magulang
Na dapat pakatandaan

"Ang Aking Pangarap,Aabutin ko"

Noon bata pa at paslit
Na pala iyak at masungit
Hindi ko alam ang aking mga ginawa
Dahil ayaw kong pasinawa

Pero nung may natutunan ako
Dahan-dahan kong kinalimunan
Yung mga kasalanan na ginawa ko
At naisipan kong mangarap at pagbutihin

Isang araw na ako din ay nagbago
Mga ginawa ko'y biglang nagbago,
Dahil ako ay naka-unawa
Sa aking mga ginagawa

Siguro mayroon akong mga kasalanan
Sa mga sinaunang kong kasalanan
Dahil ako'y may pangarap at tiwala
Dala ko ang sariling sikap at tsaga

Sana mula ngayon at hanggang makapagtapos
Gusto ko agad na makatulong
Sa mga tumulong sa'king bagohin ako
Dahil sinikap ko at pinagbutihan

Ako'y masaya at maginoo na
Dala ko ang natutuhan sa bata pa
Pangarap ko'y aking aabutin
Para may kinabukasan akong aangkinin.

Wednesday, July 30, 2008

ang buhay!

Ako'y isinilang
salungsod ng iligan,
hindikami mahirap
hindi rin mayaman

Kumpleto ang pamilya
andon sina ama't ina,
may dalawang kapatid
sila'y mababait

Hindi man matalino
mayroon namang nalalaman,
kahit na mahirap
mayroon namang pangarap

Magalang sa magulang
dhil sila'y dapat lang igalang,
mabait si ama
ganun din si ina

nag abroad si itay
para maka ahon sa buhay,
Magsusumikap sa pag aaral
para makatulong sa magulang

Gagawin ang lahat
upang huwag maging pabigat,
magpakabait
'yan ang unang gagawin




Tuesday, July 29, 2008

"Matapat na Binata"

Ako'y kabataan lamang sa panahon
Na pakikisangkot tungo sa kaunlaran
May malayang isip,diwa'y nakatuon
Sa pagsasagawa ng mabuting layun

O aking mga magulang salamat
Sa lahat na ipinalaki niyo akong
Mabuti na walang pagkukulang
Sa aking pag-aaral ngayon

May talinong taglay,diwa'y pag-iisipan
At kung anong dapat,mabuting gawin
May pusong maalab ng kahit nasaan
Pag-ibig sa bayan ang inilalaan

Kaya ngayo'y nais ko sanang makapag
Tapos ng pag-aaral para makahanap
Na mabuting pagtatrabahuan para
Sa aking mga magulang at sa aking kinabukasan

Ngayon ko lang nalaman na sa aking
Paglaki ay mayroon na pala akong
Natutunan sa araw- araw kong
Ginagawa parang lamang isang kahapon

Ang nangyari para sa akin
Kaya ngayon ay naiintindihan
Ko na kung bakit nandito
Ako sa mundong ito dahil marami pa ako matutunan.

"Handang Dumamay"

Sapagkat ako'y batang lalake
Matapang at mapagmahal
Lahi ko'y Pilipino
Na ipagmalaki sa buong bayan

Ako'y simpleng tao
Na walang ipinag-iba sa lahat
Ako'y tumutulong sa iba
Kaya sila'y tumutulong sa akin

Ako pala'y kaibigan
Kaya naman maraming kaibigan
Kaibigan na maasahan
Kaya pinagmalaki ko silang kaibigan

Kabataang tulad ko,
Ay pag-asa sa buong bayan
Lalaki man o babae
Ay dapat na matulungan

Ako'y batang mahiyain noon ,
At hanggang ngayon
Pero hindi na masyadong ngayon
Kasi unti-unting nagbabago

Mga kaibigang handang dumamay
Nagsusumikap sa paghahanapbuhay
Simula sa pagkabata ay karamay
Hanggang sa paglaki ay may karamay.

Saturday, July 26, 2008

"Ang Saloobin"

I.
Ako'y isinilang dala ay kaligayahan
ngunit may lungkot na nararamdaman
'di pinapakita ang lungkot sa mukha
dahil sa ayaw mag-alala ang mga kaibigan.
II.
Kinakaya ang lahat ng pagsubok sa buhay
tanging mga kaibigan ang karamay
tinatagong problema, alam ng kaibigan
lahat dumadamaysa aking kalugkotan.
III.
Sa kabila ng lahat ay naka ngiti pa rin
'di inaalala lahat ng problema
palaging pinapatawa mga kaibigang kasama
'di mo inaakalang may tinatagong problema.
IV.
Mahilig kumain ng maaalat at matatamis
pero 'di mahilig uminom ng tubig
mas gusto pa ang juice at softdrinks
kaya laging pinapagalitan ng aking mga magulang.
V.
Kaya kung minsa'y sumasakit ang tagiliran
'di sinasabihan ang aking mga magulang
dahil sa ayaw magpatingin sa doktor
at sa ayaw ring mapagalitan ng mga magulang.
VI.
Tanging pangarap ang matapos sa pag-aaral
at nang matulongan ang mga magulang
isa sa mga pangarap ang magkaroon ng pamilya
at nang mamuhay ng masaya.

Tuesday, July 22, 2008

"Tahimik na Binata"

Ako ay isang tahimik na binata
Ngunit maraming kababata
Katamtaman lang talino
Pero isang maginoo

Nagsusumikap na makamtan
Ang mabuting kinabukasan
At ng makaipon
Ng maraming kaalaman

Marunong tumulong
At isang magalang
May talintong kaya
Na wala sa iba

May prinsipyong natatangi
Na hindi dapat tapakan
May respetong
Para sa lahat tao

Mapagmahal na anak
Sa mga magulang
Isang masunuring binata
Sa lahat ng bagay

Palaging nagdadarasal
Sa lahat ng oras
Hindi makakalimutang
Magpasalamat sa Puong Maykapal

Saturday, July 19, 2008

Sino Ako?
I. Ako’y isang babaeng nag-aaral lamang,
Nag-aaral sa pampublikong paaralan.
Nagsikap para sa aking kinabukasan,
Para mabuhay ng mapayapa at marangal.

II. Minsan na akong nagkamali sa buhay,
Nagkamali sa mga landas na tinahakan.
Nalulong sa mga kaibigan at barkada,
Naging pabaya sa pag-aaral.

III. Minulat ako ng aking ama,
Nagising sa mga katotohanan.
Namulat na mali ang ginagawa.
“Maraming salamat mahal kong ama”

IV. Binusog ako ng pagmamahal ng aking ama,
Inalagaan, inasikaso at minahal.
Busog din ako sa pagmamahal ng aking kapatid,
Ang mapagmahal na kapatid at malambing.

V. Ang nanay ko lang ang nagkulang,
Bata pa ay maagang nawalay sa kanya.
Natotong gumawa sa gawaing hindi ko pa kaya,
Kaya kinamulatan ang maging matapang at masipag.

VI. Ako ay mabait at may paninindigan.
Umiintindi sa mga tao na may problema.
Mapagbigay sa taong nangangailangan.
Laging handa sa mga bukas na dadatnan.

Monday, July 7, 2008